PAMANA sa Tagalog

Mga namamahala kami ng sanktwaryo sa sari-sarili naming barangay. Marami sa amin mahigit limang taong gulang lamang. 10 hanggang 20 ektarya ng karagatan at bahura ang karaniwang nasasakupan ng mga kasaping sanktwaryo. Pinakamatanda sa amin ang Apo Island Reserve. Katulong namin sa pagtatatag ng mga sangktwaryo ang mahigit tatlumpung institusyon o catalysts. Karamihan sa kanila ay mga NGOs. Pero mayroon ding mga pamahalaang lokal, mga pamantasang dalubhasa sa pangisdaan, at mga ahensiya ng pamahalaan tulad ng DA-BFAR at DENR. Binigyan nila kami ng mga pagkakataong masuri at mapag-aralan ang aming kalagayan. Tinulungan nila kaming mangarap at magka-isang itatag at bantayan ang mga sanktwaryo sa karagatan.

Sa tulong ng Haribon Foundation, nagsama-sama kami noong 1999 sa isang pambansang kumperensya sa Cebu . Bininyagan namin ang aming sarili: Pambansang Alyansa ng Maliliit na Mangingisda at Komunidad na Nangangalaga ng Karagatan at Sanktwaryo sa Pilipinas. In short: PAMANA Ka Sa Pilipinas. O kaya, PAMANA.

Lumalago ang aming samahan. Noong 1999, 33 ang aming kasaping sangktwaryo. Ngayong 2002, 87 na kami.

Marahil habang dumarami ang nag-aalaga ng mga sanktwaryo sa karagatan lalo ring lalago ang aming samahan. Nais lang naming magkatulungan. Marami kaming problemang hinaharap. Maraming magkakapareho. Magkakaiba lang ng bigat at tindi. Hindi biro ang pagbabantay ng sanktwaryo. Tatlong kasama naming fishwarden ang tatlong taon nang nakakulong sa Davao sa pagtatanggol nila ng kanilang sanktwaryo. Ngayong Oktubre, magsasama-sama kami sa isang pambansang pagkilos para hilingin sa pamahalaang palayain na sina Saldy. Matagal nang naghihintay sa kanila ang kani-kanilang asawa't anak.


Mga Bantay-dagat at kapwa Mangingisda: Makabagong kampiyon ng karagatan
by Myla Roslinda

Sa ngalan ng aking mga kasamahan, ako ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga patuloy na tumutulong at tumatangkilik sa alyansa. Nariyan sila palagi, mula sa pag-umpisa hanggang sa tuloy-tuloy na pagsisikap matupad lamang layunin ng samahan. Ilang pagsubok pa ang maaaring dadaanan namin, pero kung sila ay laging aagapay sa Pamana, hindi kami mangingiming harapin ang mga ito. Ang kanilang pag-uukol ng lahat ng panahon at pera ay hindi mababale-wala. Ang lahat ng mga planong ginawa ng Pamana ay hindi lamang para sa mga kasapi nito kundi para sa buong pamayanan. Sana, tangkilikin ng karamihan ang kaunting naiambag ng Pamana para sa mga komunidad. Bilang Pangulo ng alyansa, hinihiling ko ang mga taong may ginintuang puso na patuloy na tumulong sa amin upang maisakatuparan ang aming mga layunin at mga adhikain para sa mga mangingisda sa buong bansa.

Ayon kay Ginoong Webster, ang sanktwaryo ay isang lugar na nagsisilbing takbuhan papalayo sa isang banta. Ang lugar na ito ay banal at hindi dapat lapastanganin . Masuwerte ang tao sa lahat ng mga nilalang sapagkat kaya niyang humanap ng ganitong kanlungan. Paano na lang ang iba pang mga nilikha ng Diyos na walang kakayanang makagawa ng sariling tahanan, na walang pangamba kailan man na sa isang iglap lang ay mawawala din sa kanila? Paano na ang mga maliliit na isda, ang mga magagandang bato sa pusod ng dagat, na unang nagiging biktima ng dahas ng ilang mga tao?

Salamat at may mga nangangalaga ng karagatan. Sila ang kampiyon ng karagatan. Sa labas na ito, lugod na pinagmamalaki ng samahan ng Pamana ang mga kapatid na mangingisda at bantay-dagat na walang sawa sa kanilang mga gawain mapangalagaan lamang ang dagat at ang biyaya nito. Sila ang nag-aaruga at nagbibigay ng matitirahan para sa mga yamang-dagat na walang awang inuubos ng malalaki at negosyanteng mangingisda. Sila ang nagbabantay upang ang sanktwaryo ay manatiling banal at ligtas sa panganib, pagkasira, at pagkawala. Ito ay ginagawa nila hindi lamang sa pangkasulukuyang pangangailangan, kundi upang mapanatili ang daloy ng buhay para sa susunod pang mga henerasyon. At para ang ganda ng dagat ay madama ng kanilang mga apo at apo sa tuhod.

Nararapat lamang naman na bumalik sa kanila ang pagmamahal na ito. Kung ang mga hayop at halaman ay hahayaang mamuhay ng ligtas, dadami sila at magbibigay ng buhay sa mga taong nag-aalaga sa kanila. At ang sanktwaryo ng yamang-dagat ay magiging sanktwaryo ng tao.


Kamustahan
Ang bahaging ito ay ulat sa mga kaganapan sa PAMANA(sa Alyansa at sa Kalihiman).

Karanasan ng Municipal Seaborne
by Eugenio Mula
Brgy. Kagawad–Macaas, Tubigon, Bohol / Danajon Bank Representative

Ang mga Municipal Seaborne sa lungsod ng Tubigon ay higpit na nagpapatupad ng Republic Act 8550 sa pagpapatigil ng mga illegal na pangingisda sa ating karagatan. Nakakaranas sila ng pananakot mula sa mga illegal na mangingisda. Nakatanggap na din sila ng sulat na kung hihigpitan nila ang batas na sinusunod ng Seaborne, ito ay magiging hudyat upang sila (mga Seaborne) ay papatayin. May pananakot pa ang mga illegal fishers na ang mga Military sa Carmen (Bohol) ay kumakain ng taong buhay, kaya hindi dapat pakialaman ng Seaborne ang kanilang ginagawa, na parang sinasabi nila na kampi sa kanila ang Military. Ito ang ipinagtataka ng Seaborne _ kung bakit dinadala nila ang pangalan ng Military at sa Kumander nito. Pati mga pulis ng Tubigon ay natakot at hindi makabigay ng Police Escort sa Seaborne, kaya ang nangyari noong ika-7 ng Marso 2005 ay ang Seaborne ay napalibutan ng mga polis. Nabisto din sila ng Seaborne na mga sibilyan na taga-Carmen, Bohol. Nakilala silang sina Eddie Tapic at Rolando Botausa, at may kasamang isang di-kilalang lalaki na taga-Tinangnan, Tubigon. May impormasyon na mayroong ginagawang trawl fishing sa barangay na nabanggit.-edm-

CBRM Project
by Eugenio Mula

Ang Macaas Fishers' Association (MFA) ay may isang CBRM project na nagpapatupad ng pagtatanim ng tongki, isang uri ng bakawan. Halos 12% na lang ang hindi pa natataniman. Minsan sa isang lugar sa may dalampasigan, may pumutol sa isang kahoy na tinuturing na yaman. Sa ilalim ng RA 8550, bawal ang pagputol ng mga kahoy na ito, kaya upang linawin ang usapan, inimbita pa namin ang Subalit hindi rin naging maliwanag ang desisyon ng taga-DENR, sa halip ay nagpayo sila na i-settle na lang daw ang kaso. Nag-walk out ang Barangay Captain, at nagkagulo kami dahil gusto na sana naming itigil ang CBRM Project. Ang taong pumutol ng kahoy ay isang nagngangalang Totoy Garcia, taga-Calape, Bohol, na nagmamay-ari ng isang fishpond sa aming barangay. Gumamit siya ng maliit na chainsaw. Ang taga-DENR naman na pumunta sa paglilinaw ay ang CENRO na si Mr. Llorente. Dahil sa pangyayaring ito, hinahamon naming ang Regional or Central Officers ng DENR sa Bohol na bigyang-linaw ang mga kasong ito upang mapanatag ang kalooban ng MFA members.


Karanasan ng Municipal Seaborne
by Eugenio Mula

Ang mga Municipal Seaborne sa lungsod ng Tubigon ay higpit na nagpapatupad ng Republic Act 8550 sa pagpapatigil ng mga illegal na pangingisda sa ating karagatan. Nakakaranas sila ng pananakot mula sa mga illegal na mangingisda. Nakatanggap na din sila ng sulat na kung hihigpitan nila ang batas na sinusunod ng Seaborne, ito ay magiging hudyat upang sila (mga Seaborne) ay papatayin. May pananakot pa ang mga illegal fishers na ang mga Military sa Carmen ( Bohol ) ay kumakain ng taong buhay, kaya hindi dapat pakialaman ng Seaborne ang kanilang ginagawa, na parang sinasabi nila na kampi sa kanila ang Military. Ito ang ipinagtataka ng Seaborne – kung bakit dinadala nila ang pangalan ng Military at sa Kumander nito. Pati mga pulis ng Tubigon ay natakot at hindi makabigay ng Police Escort sa Seaborne, kaya ang nangyari noong ika-7 ng Marso 2005 ay ang Seaborne ay napalibutan ng mga illegal fishers na nagpanggap na mga polis. Nabisto din sila ng Seaborne na mga sibilyan na taga-Carmen, Bohol . Nakilala silang sina Eddie Tapic at Rolando Botausa, at may kasamang isang di-kilalang lalaki na taga-Tinangnan, Tubigon. May impormasyon na mayroong ginagawang trawl fishing sa barangay na nabanggit.